EPIKO: Kahulugan, Katangian at Halimbawa

  • Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang pangat etniko, rehiyon lalawigan ng bansa.
  • Ito ay isang uri ng panitikang pasalindila. Nangangahulugang ito ay nailipat o naibahagi sa pamamagitan ng pasalingpagkukuwento o pagsasalaysay lamang.

Katangian

  • Isa sa pinakalitaw na katangian ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring di kapani- paniwala o puno ng kababalaghan. Karaniwan itong may tauhang lubos na malakas at makapangyarihang kinikilalang bayani ng rehiyong pinagmulan.
  • Ang epiko ay ginagamit ng ating mga ninuno upang maipakita ang kanilang pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala, mithiin, at layunin sa buhay. Bagama’t pasalaysay, ito ay isang tula na inaawit o binibgkas na pakanta.

Mga Naunang Pag-aaral

  • Ang mga sinaunang historyador na gaya nina Padre Colin Joaquin, Martinez de Zuniga, at Antonio Pigafetta ay nagpapatunay nito. Sa katunayan ay may mga ulat ding nagkaroon ng mga pagtatanghal ng mga epiko ang ating mga ninuno nang dumating si Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas noong 1565.
  • Mahirap masabi kung alin sa mga epiko ang pinakamatanda, sapagkat ang pagkakasalin sa Espanyol o Ingles ng mga ito ay hindi pa nalalaman. Ang panahon kung kailan nalikha ang isang epiko ay masasalamin lamang sa mga pangyayaring isinasalaysay ng epiko.
  • Maraming epiko ang nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno sa bawat pangkat o rehiyong kanilang kinabibilangan bagama’t ilan lamang sa mga epikong ito ang nakilalang lumaganp sa bansa dahil sa kakulangan ng sapat na tala.
  • Maraming epiko ang nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno sa bawat pangkat o rehiyong kanilang kinabibilangan bagama’t ilan lamang sa mga epikong ito ang nakilalang lumaganp sa bansa dahil sa kakulangan ng sapat na tala.
  • Si Jose Villa Panganiban at ang kanyang aklat na Panitikan ng Pilipinas noong 1954 ay nagtala ng dalawampu’t apat na epiko sa ating bansa.
  • Samantalang si Dr. Arsenio Manuel, isang antropolohista at iskolar ng Unibersidad ng Pilipinas, sa kanyang masusing pag- aaral ng epiko sa Pilipinas na pinamagatang Survey on the Philippine Folk Epics noong 1963 ay naghanay ng dalawampu’t limang epikong katutubo sa Pilipinas (Panitikang Pilipino, Antolohiya).

Mga Halimbawang Epiko mula sa Iba’t Ibang Rehiyon

  • Hadiong (Ibalon at Aslon) Epiko mula sa Bicol
  • Lam-Ang Epiko mula sa Ilokos
  • Hudhud Epiko ng mga Ifugao
  • Bantugan Epiko mula sa mga Maranao
  • Indarapatra at Sulayman Epiko mula sa Mindanao
  • Bidasari Epiko ng mga Malay
  • Tulalang Epiko ng mga Manobo
  • Ulalim Epiko ng mga Kalinga
  • Dagoy at Sudsud Epiko ng mga Tagbanua
  • Kabuniyan at Bendian Epiko ng mga Ibaloi
Exit mobile version