Epiko ni Rama at Sita

Talasalitaan

  • bihagin – dukutin, ikulong
  • hinablot – hinatak, hinila
  • nagpanggap – nagkunwari, nagbalatkayo
  • nakumbinsi – napaniwala
  • patibong – bitag

Mga Tauhan

  • Rama – Matapang at mapagmahal na asawa ni Sita.
  • Sita – Asawa ni Rama na sinubukang akitin ni Ravana.
  • Ravana – Hari ng mga higante at demonyo
  • Hanuman – Hari ng mga unggoy, tumulong kay Rama upang mailigtas si Sita.
  • Lakshamanan – kapatid ni Rama
  • Surpanaka – Kapatid ni Ravana

Sipi ng Akda

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.”

Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos ng husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.

“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid.

Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsepe ang kaniyang ilong at tenga.

Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. “Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid pumayag siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo o hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong tumulong. “kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni Maritsa.”Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan si Rama. “Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay. Baka higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog.

“Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw paring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama at ang maging hari,” sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan sa siya sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.

Sa gubat, napatay ni Rama ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng isang kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka!,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!

Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong may malapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay Makita iyon ni Rama para masundan siya at maligtas. Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.

Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang Makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

Maikling Panunuri sa Nilalaman at Mensahe ng Akda

  • Ito ay isang halibawa ng panitikan na epiko. Ang epiko ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.
  • Ang Rama at Sita ay isa sa pinakakilalang akda mula sa India. Ramanaya ang pamagat nito sa wikang Hindu.
  • Si Rama ay itinuturing na diyos sa paniniwalang Hinduismo.
  • Pinaniniwalaan na bahuhay si Rama ng 1.2 milyong taon.
  • Upang magbigay galang at respeto sa ama, tinanggap ni Rama ang 14 na taong pagpapatapon sa kanya sa kagubatan kasama si Sita kanyang asawa at Lakshamanan kanyang kapatid.
  • Ipinakita sa akda ang iba’t ibang uri ng tauhan at kanilang pag-uugali. . Si Rama ay isang mabuti at mapagmahal na asawa, si Sita naman aymahilig sa makikinang na bagay at palamuti, si Lakshamanan ay isang mabuting kapatid na laging handang tumulong kahit na mamaaring magdulot ito ng kapahamakan. Si Ravana at Surpanaka naman ay parehong mapanlinlang at huli si Huwanun ay isang tapat na hari na maasahan sa anumang labanan.
  • Makikita rin sa akda ang tapat na pagmamahal ni Rama sa kanyang asawa. Dahil kahit na mapanganib pa ang sitwasyon na kanyang haharapin upang mailigtas ang kanyang asawa ay hinarap niya ito.
  • Naging tapat rin si Sita sa kanyang minamahal dahil sa kabila ng inaalok na kayamanan ni Ravana ay hindi siya nagpasilaw dito.
  • Hindi nilabanan ni Maritsa si Rama sapagkat alam niya na kakampi nito ang diyos at sila ay mabubuting tao kaya ang ginawa na lamang niya ay linlangin at paghiwalayin ang dalawa.
  • Ang tapat at tunay na pagmamahalan ay palaging nagwawagi.
  • Sa kasalukuyan ay mayroong isang pagdiriwang na ginaganap sa Ayodhya India ito ay tinatawag na Diwali. Kung saan nagsisindi ng pailaw ang mga tao upang alalahanin ang matagumpay na pagbabalik ni Rama, Sita at Lakshamanan sa kanilang kaharian.
Exit mobile version