Noli Me Tangere Buong Kabanata 3: Ang Hapunan

Dumulog na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Tila si Padre Sibyla na lumapit sa mesa. Si Padre Damaso ay mukhang inis. Sinisikaran ang mga upuang nakaharang sa kanyang dinaraanan. Siniko niya ang isang kadete. Wala namang kibo ang tenyente. Masigla ang usapan ng mga panauhin at panay ang papuri sa handa ni Kapitan Tiago. Umismid si Donya ictorina at pinakibot pa ang ilong. Ngunit nagalit na parang aha sang babae nang matapakan ng tenyente ang buntot ng kanyang bestida.

“Wala ba kayong mata?” aniya.

“Mayroon po, ginang. Dalawa malinaw kaysa sa mga mata ninyo. Kaya lang ay nakatingin ako sa kulot ng inyong buhok,” pangangatwiran ng military sabay layo.

Dala marahil ng nakaugalian ay sabay na lumapit sa kabisera ang dalawang prayle.

“Para sa iyo ito, Padre Damaso,” ani Padre Sibyla.

“Para sa inyo, Padre Sibyla!” tugon ni Padre Damaso.

“Kayo ang dati nang kakilala sa bahay na ito… kompresor ng maybahay. Para sa inyo ang upuang ito, alang-alang sa katandaan, sa katungkulan, at pamamahala,” giit ni Padre Sibyla.

“Hindi po,” tutol ni Padre Damaso. “Kayo ang kura paroko sa pook na ito,” dagdag pang hindi naman inaalis ang pagkakahawak sa upuan.

“Yamang iniuutos ninyo ay susunod ako,” patapos na wika ni Padre Sibyla na umakmang uupo.

“Hindi ko ipinag-uutos sa inyo,” tutol ng Pransiskano. “Hindi ko ipinag-uutos sa inyo.”

Uupo na sana si Padre Sibyla at ipagwawalang-bahala ang pagtutol ni Padre Damaso nang magkatama ang mga paningin nila ng tenyente. Para sa mga prayle sa Pilipinas, ang pinakamataas mang pinuno ng pamahalaan ay mababa pa kaysa legong kusinero ng simbahan. Gayunpaman, palibhasa’y mapagbigay ay inialok ni Padre Sibyla sa tenyente ang kabisera.

“Ginoong Tenyente, nasa lipunan tayo at wala sa simbahan kaya ang upuang ito’y para sa inyo.”

Ngunit halata sa pagsasalita ng pari na kahit sa lipunan ay para sa kanya ang upuang iyon. Mabilis namang tumanggi ang tenyente dahil marahil sa ayaw maabala o kaya’y mapagitna sa dalawang prayle.

Wala isa man sa dalawang pari ang nakaalala sa may handa. Nasulyapan ni Ibarra si Kapitan Tiago na nakangiting nanonood sa pangyayari.

“Hindi po ba kayo makikisalo sa amin, Don Santiago?” patanong na tawag ni Ibarra.

Ngunit puno na ang lahat ng upuan. Si Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculo.

“ Aba, huwag kayong titindig,” ani Kapitan Tiago sabay diin sa balikat ng binata. “Alalahanin ninyong ang handaang ito ay bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen dahil sa inyong pagdating, isilbi na rin ang tinola! Kaya nagpaluto ako ng tinola para sa inyo sapagkat alam kong matagal na kayong hindi nakatitikim noon.”

Ipinasok ng utusan ang supera ng umuusok na tinola. Bumulong ng dasal ang Dominiko, na hindi naman sinagot ng iba, bago siya namahagi ng tinola. Sinadya man o hindi, ang napunta kay Padre Damaso ay panay upo at sabaw na may isang talop ng leeg at makunat na pakpak ng manok, samantalang sa iba ay hita at pitso, at kay Ibarra’y panay na lamang lamang-loob. Hindi ito nakaila sa Pransiskano. Niligis niya ng kutsara ang upo, humigop ng sabaw. Padabog niyang ibinagsak ang kutsara sa plato na lumikha ng malakas na kalansing at saka sinabayan ng tulak sa pinggan.

“Ilang taon kayong hindi nauwi?” tanong ni Laruja kay Ibarra.

“Mga pitong taon po.”

“Maaaring nalimot na ninyo ang Pilipinas!”

“Malayo pong mangyari. Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalala.”

“Ano ang ibig ninyong sabihin?” tanong ng panauhing may pulang buhok.

“Isang taon na akong hindi nakababalita tungkol sa ating bayan. Mistulang isang dayuhan nan i hindi nakaalam kung kalian at kung paanong namatay ang aking ama!”

“A, gayon oala!” bulalas ng tenyente.

“Saan naman kayo naroroon at ni hindi nagpahatid ng kablegrama?” tanong ni Donya ictorina na biglang sumabad sa usapan. “Nang ikasal kami ay kumable kami sa Espanya.”

“Ginang, nitong huling dalawang taon ay nasa Alemanya at Polanya Pusa ako,” tugon ni Ibarra.

Sinalo ni Doktor de Espadana ang usapan. “Na…na…nakilala ko sa Espanya ang isang Polakong taga-Bar… Barsobya, nagngangalang Stadnitzki. Kilala ba ninyo siya?” Namumula sa pagkahiya ang nagtanong.

“Puwedeng kilala ko siya,” pagbibigay-loob ni Ibarra. “Lamang ay hindi ko maalala ngayon.”

“Pero… hindi ninyo siya mapag… mapag… mapagkakamalam,” dugtong ng doctor na sumigla-sigla. “Kulay ginto ang kanyang buhok at masamang magsalita ng Kastila.”

“Maganda nga po sanang pagkakilanlan iyan ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ako nakapagsalita ng Kastila roon, maliban na lamang kung nasa konsulado.”

“Pa’no kayo nakikipag-usap?” nagtatakang tanong ni Donya ictorina.

“Wika po ng bansang kinaroroonan ko ang aking ginagamit.”

“Marunong din kayo ng Ingles?” agaw ng Dominiko na nanirahan sa Hong Kong at mahusay magsalita ng Pidgin English, ang sinampay-bakod na wika ni Shakespeare.

“Isang taon po akong nanahanan sa Inglatera na kahalubilo ng mga taong Ingles lamang ang sinasalita.”

“Alin po naman sa mga bansa sa Europa ang higit ninyong nagustuhan?” tanong ng binatang may mapulang buhok.

“Bukod po sa Espanya na pangalawa kong bayan ay ang alin mang bansa sa malayang Europa.”

“Sa paglalakbay ninyo sa maraming bansa, anong pinakamahalagang bagay ang nakita ninyo?” usisa naman ni Laruja.

Waring nag-isip si Ibarra. “Tungkol po saan?”

“Halimbawa’y tungkol sa kabuhayan, lipunan, politika, relihiyon, at iba’t iba pang bagay…?”

Matagal-tagal din bago sumagot si Ibarra. “Bago ako maglakbay sa isang bayan ay sinisikap ko munang malaman ang kanyang kasaysayan, o unti-unting pagbabago tungo sa kaunlaran nito. Dito ko natuklasan ang lahat. Nakikita kong ang kasaganaan at paghihikahos ng mga bansa ay may tuwirang relasyon sa kanialng kalayaan o pagkaalipin. Kung gayon ay may kinalaman iyon sa pagsusumakit o sobrang pag-ibig sa sarili ng mga ninuno.”

“Wala ka bang nakita kundi iyan?” May pangungutya ang ngiti ng Pransiskano na noon lamang nagsalita, siguro’y dahil sa kaabalahan sa pagkain. “Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay. Kahit munting batang nag-aaral ay nakaaalam niyan!”

Napatingin si Ibarra sa prayle. May pangambang nagkatinginan ang mga kumakain sa takot nab aka may mangyaring gulo. Ibig-ibig na sanang sabihin ni Ibarra na “Magtatapos na ang hapunan at busog na ang kanyang Reerencia” ngunit nakapagpigil siya. Sa halip ay sinabing, “Mga ginoo, huwag ninyong ipagtaka ang pagiging palagay loob sa akin ng dati naming kura. Ganyang-ganyan din ang pagpapalagay niya sa akin noong bata pa ako, ngunit pinasasalamatan ko rin siya. Sinariwa niya sa isip ko ang mga araw noon gang kanyang Reerencia ay madalas na nagtutungo sa amin at nakakasalo naming sa hapag ng aking ama.”

Sinulyapan ng Dominiko ang Pransiskano na napansin niyang nanginig. Tumayo si Ibarra. “Ipahintulot ninyong magpapaalam na ako, mga ginoo. Kararating ko lamang at kailangang umalis din ako bukas. Marami pa akong dapat tapusin. Tapos na ang pinakamahalagang bahagi ng hapunan. Bahagya na akong uminom ng alak, ngunit para sa karangalan ng Espanya at Pilipinas ay…” At tinungga niya ang wala pang bawas na laman ng kopita. Nakigaya rin sa pagtungga ang walang kibong tenyente.

“Huwag muna kayong umalis!” marahang wika ni Kapitan Tiago.

“Darating na si Maria Clara; sinundo siya ni Isabel. Darating din ang banal na bagong kura ng inyong bayan!”

“Daraan ako rito bukas bago umalis. May dadalawin ako ngayon na hindi ko maipagpapabukas.”

Nakahinga ng maluwag si Padre Damaso nang makaalis si Ibarra. “Nakita n’yo na,” bilang sa binatang may pulang buhok habang ikinukumpas ang kutsilyo. “Iyan ay kayabangan. Hindi matanggap na mapagsalitaan ng kura. Ang palagay sa sarili ay edukado! Iyan ang masamang epekto ng pagpapadala sa Europa ng kabataang Indio! Kailangan itong ipagbawal ng gobyerno!”