Noli Me Tangere Buong Kabanata 51: Mga Pagbabago

Labis na nababalisa ang mahiyaing si Linares. Katatanggap lamang niya ng sulat ni Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:

Mahal kong pinsan: Sa loob ng tatlong araw ay gusto kong malaman sa iyo kung napatay ka na ng tenyente o napatay mo siya. Ayokong lumipas pa ang isang araw nang hindi lumalasap ng parusa ang hayop na iyon. Kapag hindi mo siya hinamon ng duwelo ay ipagtatapat konkay Don Santiago na hindi ka naging pansariling kalihim ng Prime Minister o kabiruan niya, o nakikihalubilo sa gobernador-heneral. Ipagtatapat ko rin kay Clarita na pulos ka kayabangan at hindi kita bibigyan kahit isang sentimo. Pero kapag hinamon mo ng duwelo ang tenyente ay ipinangangako kong ibibigay ko ang lahat mong hihilingin. Umaasa akong nahamon mo na siya. Ayoko ng kung ano-anong pagdadahilan.

Ang nagmamahal mong pinsan,

Victorina de los Reyes de de Espadaña

Sampaloc, Lunes, ika-7 ng gabi

Nagiging grabe ang sitwasyon. Kilala ni Linares ang ugali ni Donta Victorina at kayang gawin niyon ang banta. Ang pakiusapan siya ay para nang pinakiusapan ang isang inspektor ng customs na desididong magbintang na may ipinupuslit kang kalakal. Satang lamang ang pakiusap….lalo namang masamamg magsinungaling sa kanya. Wala nang ibang paraan kundi hamunin ng duwelo ang tenyente.

“Pero paano?” Usal niya sa sarili habang palakad-lakad at bumaba-umakyat. “Sakaling mainit ang ulo ng tenyente pag pinuntahan ko? E, kung ang ginang niya ang maratnan ko? At sino ang papayag na maging alalay ko sa duwelo? Ang kura paroko? Si Kapitan Tiago? Bakit ba ako nakikinig sa hayop na babaeng yon! Kanino bang ideya itong napasok-pasukan kong ito? Ang magyabang…..magpanggao? Ano na ang sasabihin sa akin ni Binibining Clarita? Ito ang napala ko sa paghahambog na pansariling kalihim ng lahat ng miyembro ng gabinete!”

Nasa gantong balisang pag-iisip si linares nang dumating si padre salvi. Payat ngayon at putlain ang pransiskano, ngunit may kislap ang kanyang mga mata ay may mahiwagang ngiti sa kanyang labi.

“Nag-iisa ka, Ginoong Linares?” Bati niya sa binatang Kastila at lumakad na palapit sa salas sa kariringgan ng tugtugin sa piyano.

Sinikap ni Linares na ngumiti.

“Si Don Santiago?” Dugtong na tanong ng kura paroko.

Sa lalapit naman si Kapitan Tiago. Lumapit sa pari at humalik sa kamay nito. Kinuha ang sumbrero at baston ng pari at ngumiti matapos mabasbasan.

“Makinig kayo,” wika ng pari habang pumapasok sa salas na sinundan nina Linares at Kapitan Tiago. “May magandang balita ako sa inyong lahat. Tumanggap ako ng sulat mula sa Maynila na nagpapatunay sa sulat na ipinabasa sa akin kahapon ni Ginoong Ibarra. Samakatuwid, Don Santiago, ay hindi na ekskumulgado si Ginoong Ibarra at wala nang sagabal sa kasal.”

Si Maria Clara na nakaupo sa harap ng piyano sa pagitan ng dalawa niyang kaibigan ay bahagyang napatayo, subalit dahil sa panghihina ay muling napaupo. Namutla si Linares at napatingin kay Kapitan Tiago na nagbaba naman ng tingin.

“Patuloy ang pagkakaroon ko ng simpatya sa  binatang ibarra,” wika ng kura paroko. “Noong una ay mali ang palagay ko sa kanya. Mainit ang kaniyang ulo pero pagkatapos ay marunong naman siyang kumikilala sa kanyang pagkakamali kaya’t imposibleng magtanim ng galit sa kanya. Kung hindi lang kay Padre Damaso!”

Sinulyapan ng prayle si Maria Clara na nakikinig ngunit hindi nag-aalis ng tingin sa piyesa ng tugtugin kahut palihim siyang kinukurot ni Sinang. Halatang tuwang-tuwa si Sinang at kung nag-iisa lamang ito noon ay baka naglulundagan sa labi na kagalakan.

“Si Padre Damaso?” Tanong ni Linares.

“Oo. Sinabi ni Padre Damaso,” patuloy ni Padre Salving hindi inaalis ang tingin kay Maria Clara. “Na bilang ninong ni Maria Clara ay hindi siya makakapayag na…….ngunitbsa palagay ko, kung hihingi lamang ng tawad sa kanya si Ginoong Ibarra ay maayos anag lahat.”

Tumayo si Maria Clara at nagpaalam upang pumasok sa kanyang silid na kasama si Victoria.

“Kung hindi siya patawarin ni Padre Damaso?” Tanong ni Kapitan Tiago.

“Kung magkakagayon…..maiintindihan naman ni Maria Clara. Tutal, ninong at kompemsor niya si Padre Damaso. Pero sa palagay ko ay maayos ang lahat.”

Walang ano-ano ay may narinig na mga yabag. Pumasok si Ibarra na kasunod si Tiya Isabel. Ang pagdating niya ay nagbunga ng iba’t-ibang epekto sa mga dinatnan. Magiliw niyang binati si Kapitan Tiago na ang anyo ay alangang mangiti-ngiti o maluha-luha. Magalang siyang yumukod kay Linares. Tumayo naman si Padre Salvi at Buong-galang at lugo na inabot ang kamay kay ibarra.

“Huwag kang magtaka,” wika ni Padre Salvi, “Ang totoo ay labis kitang pinupuri sa kanila.”

Nagpasalamat si Ibarra at nilapitan si Sinang.

“Saan ka ba nagsuot maghapon?” Tanong na may kapilyahan ng babae. “Tanong kami nang tanong sa sarili namin kung saan napasuot ang kaluluwang kahahango pa lamang sa purgatoryo. At siyempre naman may iba’t-iba kaming palagay.”

“Puwede bang malaman kung ano-ano ang mga iyon?”

“Hindi puwede! Sekreto ‘yon. Pero sasabihin ko sa inyo kung tayong dalawa na lamang. O, ngayon…. Sabihin mo nga kung saan ka nagsuot maghapon para naman nalaman namin kung sino ang tama sa amin.”

“Hindi puwede! Sekreto rin iyon. Pero ipagtagapat ko sa inyo kung pagpapaumanhinan tayo ng mga ginoong narito.”

“Siyempre! Siyempere!” Salo ni Padrw Salvi. “Talagang dapat lang ang ganyan. Inaasahan namin yan!”

Niyaya ni Sinang si Crisostomo sa kabilang dulo ng salas. Sabik na sabik siuang malaman ang lihim na sinabi ng Binata.

“Tapatin mo ang ako. Galit ba sa akin si Maria?”

“Ewan ko. Pero lagi’t lagi niyang sinasabi na makabubuti pa sa inyong limutin mo na siya, at pagktapos ay bibirahan ng iyak. Gusto siyang ipakasal ni Kapitam Tiagi sa binatang iyon. Pati si Padre Damaso. Pero wala pa namang isinasagot si Maria na oo o hindi. Kaninang umaga, nang pinag-uusapan ka naming…..at nang sabihin kong baka may iba ka nang nililigawan ay sinabi niyang ‘Sana nga….pagkatapos ay binahiran ng iyak.”

Naging seryoso ang mukha ni Ibarra.

“Pakisabi mo kay Maria na gusto ko siyang makausap nang sarilinan.”

“Sarilinan?” Kunot ang noo at may pagtataka ang tingin ni Sinang.

“Kaming dalawa lamang. Hindi. Ngunit ayokong kaharap ang binatang iyon.”

“Mukhang mahirap. Pero huwag kang mag-aala. Sasabihan ko.”

“At kailan ko malalaman ang sagot?”

“Bukas. Pumunta ka sa bahay namin bukas. Ayaw ni Maria nang nag-iisa. Lagi namin siyang sinasamahan. Isang gabi ay si Victoria ang kasama niyang matulog. Kinabukasan. Naman ng gabi ay ako. Bukas ay toka ako. Hintay nga pala….. Ano ba ang lihim na ilagtatapat mo? Baka makaalis ka nang hindi mo naihahayag ang pinakamahalagang bagay na iyan?”

“Siyanga pala! Nagpunta ako Los Baños. Magtatayo ako ng pabrika ng langis. Magkasing negosyo ko ang ama mo.”

“Iyon lang ba? Pambihira mamang lihim iyan!” Bulalas ni sinang na sa tomo ng salita ay para bang isang nagpapautang ng five-six na nasuba, akala ko pa naman ay….”

“Konting ingat lang sa pagsasalita. Ayokong ipamalita mo iyan…..”

“Para que pa?” Nakaingos at nakalabing agaw ni Sinang. “Kung mahalaga sana ang sekreto mo….baka maidaldal ko agad sa mga kaibigan ko. Pero pabrika ng langis ng niyog! Sus! Niyog? Sino’ng magiging interesado sa niyog?

At binirahan ng alis para tunguhin ang mga kaibigan.

Di nagtagal at nagpaalam na si Ibarra. Nang umalis siya ay naiwang masayang maasim ang mukha ni Kapitan Tiago. Mamata-mata lamang at walang kibo si Linares. Ang kura paroko naman ay kuwento nang kuwento at wala pa man sa mga babae ang muling lumabas.

Exit mobile version