Noli Me Tangere Buong Kabanata 13: Hudyat ng Nagbabantang Unos

    Huminto sa tapat ng sementeryo ang isang karwahe. Mapapansing galling ito sa malayo dahil sa nababalot ng alikabok at pawisan ang mga kabayo. Bumaba si Ibarra na kasunod ang isang matandang utusan. Pinaalis niya ang karwahe at walang kibong pumasok sa sementeryo. 

    “Nagkasakit po ako at nagging abala kaya hindi nakabalik agad,” wika ng matanda. “Sabin i Kapitan Tiago ay siya na ang magpapagawa ng niso. Gayon man ay tinamnan ko na po ng mga bulaklaking halaman at nilagyan ko ng malaking krus na iyon,” at itinuro ng matanda ang lugar.  

    Marahan ang mga hakbang ni Ibarra at iniiwasang mayapakan ang nadaraanang puntod. Huminto siya nang marating ang lugar at iginala ang tingin. Tumigil din ang matanda at nagtatakang luminga-linga. Wala ang sinasabi niyang itinirik na krus.  

    “Dito nga kaya?” tanong sa sarili “Hindi! Doon yata pero hukay na ang lupa!” 

     Malungkot na tiningnan ni Ibarra ang matandang utusan. 

    “Siyanga po pala!” patuloy nito. “ Ang tanda ko ay may katabing malaking bato. Medyo mababaw ang hukay pagkat may sakit noon ang tagapaglibing kaya iba ang naghukay. Itanong po natin sa kanya kung nasaan ang krus,”  

   Nilapitan nila ang tagapaglibing. Nag-alis ito ng suot na salakot at magalang na yumukod.  

   “Alin bang libing doon ang may krus?” tanong ng utusan. 

    Nilingon ng tagapaglibing ang lugar na itinuro ng utusan.  

  “Iyon po bang may malaking krus?” tugong-patanong din.  

   “Malaking krus nga,” masiglang sagot ng utusan at lumingon pa kay Ibarra . 

   “Iyon po bang krus na nakaukit ang dekorasyon at may taling yantok?” tanong na muli ng tagapaglibing.  

  “Iyon na nga!” wika ng utusan at iginuhit pa sa lupa ang kaanyuan mg sinasabing krus. 

  “At ang libing, hindi po ba may tanim na halamang namumulaklak?”  

“Sampaga, adepa at pensamyento,” dugtong ng matanda at inaabutan ng tabko ang kausap. 

”Nasaan ang libing at ang krus?” 

Napakamot ng tenga ang taga-paglibing at pahikab na sumagot.  

“Sinunog ko nap ang krus!”  

“Sinunog? Bakit naman ninyo sinunog?”  

“Utos po ng malaking kura!”  

“Sinong malaking kura?” tanong ni Ibarra.  

“Iyon pong namamalong kura si Padre Garrote.” 

“Pero kahit ang libing, Ituro ninyo sa amin,” ani Ibarra sabay haplos sa kanyang noo. 

  “Wala na po sa libing na iyon ang patay,” anang tagapaglibing na nakangiti. 

  “Anong sabi n’yo?”  

  “Opo!” parang nagbibirong tugon ng tagapaglibing. “ May isang lingo nap o ngayong isang babae ang nakabaon sa puntod na yon!”  

  “Nasisiraan na ba kayo?” agaw ng utusan. “Wala pang santaong nalilibing ang aming hinahanap a?”  

   “Totoo nga po! Pero matagal nang ipinahukay iyon ng malaking kura. May ilang buwan na. Ipinalipat po niya sa sementeryo ng mga Intsik. Pero dahil sa bigat at     umuulan pa nang gabing iyon kaya’t…”  

     Hindi naituloy ng tagapiglibing ang pangungusap nang sugurin siya ni Ibarra.Sinunggaban siya sa bisig at niyugyog “ At sinunod mo naman?” May poot ang tinig ng binata. 

     Namutla ang tinanong at nanginginig ang tinig nang sumagot. “Huwag po kayong magalit. Hindi kop o inilibing sa sementeryo ng mga Intsik. Naisip ko pong mas mabuti nang ipaanod sa ilog kaysa ibaon sa libingan  ng mga Intsik at iyon nga po ang ginawa ko!”  

      Bumaon sa balikat ng tapaglibing ang mga daliri ni Ibarra.  

    “Isa kang sawimpalad,” naihimutok ni Ibarra sabay talikod at nagmamadaling umalis. Hindi na niya napansin kung natatapakan man niya sa paglakad ang mga bulaklak at krus sa puntod na nadaraanan. Umiiyak na nakasunod sa kanya ang matandang utusan.  

      Agaw-dilim na noon at sa dakong silangan ay makapal ang ulap na parang uulan.Mainit ang simoy ng hanging humahampas sa mga sanga ng kahoy at punong kawayan.  

     Walang sumbrero si Ibarra. Walang luha ang kanyang mga mata at walang himutok na laman ang dibdib. Parang iniiwasan niya sa paglakd ang susunod sunod na anino ng kanyang ama parang iniiwasan niya ang nagbabantang unos. Tinahak niya ang kabayanan. Nagtuloy sa dakong kinatitirikan ng isang lumang bahay na  matagal na niyang hindi napupuntahan. Napapaligiran ng pader ang bahay na iyon at sa loob ng bakuran ay may nagtayong mga puno ng dilambaka na parang kumakaway sa kanya. Parang nabuksan ang binatana ng bahay. Nilinga niya ang mga puno ng ilang-ilang na may uugoy-ugoy na mga sangang hitik sa bulaklak. Nagliliparan naman ang mga kalapati sa paligid ng kaniyang bahay-bahayang nakatayo sa gitna ng halamanan.  

    Ngunit mandin ay hindi napansin ang mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa kasalubong na pari. Ito ang kura ng San Diego ang tahimik na Pransiskano ang kaaway ng Alperes.  

    Huminto si Ibarra at tinignan ang pari Iniiwas naman ni Padre Salvi ang kanyang mga mata. Sinugod siya ni Ibarra at diniinan sa balikat “ Ano ang ginawa mo sa aking ama ?” marahas na wika ng binata.  

    Hindi nakasagot si Padre Salvi. Maputalng maputla siya at nanginginig. Walang kakilos-kilos sa pagkaktayo.  

   “Ano ang ginawa mo sa aking ama?” ulit ni Ibarra na halatang nagtitimpi.  

    Parang nauupos sa pagkakatayo ang pari dahil sa bigat ng mga kamay ng binata na nakadagan sa kanyang mga balikat. “Nagkakamali kayo,” sagot niya na parang napilitan lamang sa pagsasalita. “Wala akong ginawang ano man sa inyong ama!”  

    “Anong wala?” marahas na wika ni Ibarra na ipinagdiinan pa sa balikat ni Padre Salvi ang kanyang mga kamay kaya ito ay tuluyang napaluhod.  

   “Hindi po ako,” aniya. “Natitiyak kong ang tinutukoy ninyo ay si Padre Damaso ang pinalitan kong pari”  

   “A! …..” bulalas ng binata sabay biitiw sa marahas na pagkakahawak sa pari at marahang tinutop ang kanyang noo. Nagmamadali niyang iniwan si Padre Salvi at nagtuloy siya sa bahay.  

    Nilapitan ng matandang utusan ang nakaluhod na pari at tinulungan sa pagtayo.