Noli Me Tangere Kabanata 16: Si Sisa

Talasalitaan:
  • Palaboy-laboy – umaalis-alis, lumalayo
  • Nilustay  – pag-aaksaya ng sa;api, bagay, talion, laks o panahon
  • Hibang – sira ang isip
  • Tangisan – taghoy na may malakas nap ag-iyak
  • Pindang – tápa na karne ng baboy, báka, usa, at katulad
  • Pinukol – binato
  • Guniguni – kapangyarihan ng isip na bumuo ng hulagway o pantasya
  • Kinilabutan –  pagtindig ng balahibo dahil sa matinding tákot o lamig 
Mga Pangunahing Tauhan sa Kabanata
  • Sisa
  • Pedro
  • Basilio
Buod ng Kabanata

Tahimik ang bayan sa gitna ng kadiliman. Payapa silang nagsitulog upang pagsapit ng umaga ay magsipagsimba upang magtamo ng indulhensiya.

Ang kanyang asawa’y isang lalaking walang pakialam sa buhay, palabuy-laboy, at sugarol. Bihirang bihira itong umuwi sa kanilang bahay. Wala rin itong pakialam sa mga anak. Nilustay niya ang kaunting alahas ni Sisa para sa pagsusugal at nang maubos na ito’y sinasaktan pa ang asawa. Hibang si Sisa sa pagmamahal sa kanyang asawa at nakahandang magtiis at tangisan ang kanyang asawa.

Nang gabing yao’y inaasahan niya ang pagdating ng mga anak. Bumili siya ng ilang isdang tuyong idaragdag sa ulam ng mga anak, namitas ng sariwang kamatis sa kanilang bakuran, nanghingi ng pindang na usa at isang hita ng patong-bundok kay Mang Tasyo. Nagsaing siya ng maputing bigas na pinag-ipunan niya para sa kanyang mga anak.

Napaiyak si Sisa at nang maalalang darating ang kanyang mga anak, pinahid agad ang luha sa kanyang pisngi. Muling nagsaing at inihaw ang nalalabing tatlong tuyo.

Inip na inip na si Sisa sa paghihintay sa mga anak. Upang aliwin ang sarili ay di miminsan siyang umawit nang mahina. Isang asong itim na kanyang pinukol ang naghatid sa kanyang guni-guni ng malungkot na pangitain. Si Crispin ang kanyang naalala.

Basilio: Inang buksan mo ang pinto! Inang pagbuksan mo ako.

Kinilabutan si Sisa. Waring namamalikmata at nagising sa isang tunay na pangyayari.

Alam Mo Ba?
  • Ang kayumangging kaligatan ay tumutukoy sa kulay ng balat ng nakararaming Pilipino. Ang kulay na ito ay tumutukoy sa pagiging moreno o morena.
  • Ang kundiman ay isang uri ng tradisyunal at malanyos na awit na karaniwang may paksang patungkol sa pag-ibig. Ito ay nagsimulang maging popular noong ika-19 na siglo.
Mensahe at Implikasyon ng Kabanata
  • Sa kabanatang ito ay ipinakilala si Sisa, isang mabuting ina sa kanyang mga anak at martyr na asawa naman kay Pedro.
  • Si Sisa ay maaaring sumimbolo sa mga kababaihang nakararanas ng pagmamalupit sa kanyang asawa.
  • Isang babae na wagas kung umibig kahit na nasasaktan na, ang mahalaga sa kanya ang palaging manatiling buo ang kanyang pamilya.
  • Hanggang sa kasalukuyan ay maraming kababaihan ang nakararanas ng ganitong uri ng pagmamalupit mula sa kanilang asawa.
  • Kaya naman ang pamahalaan ay buo ng isang batas na maaaring mangalaga sa kanilang karapatan. RA 9710 o ang comprehensive women’s human rights law. Kung saan ang batas na ito ang nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan sa diskriminasyon o ano mang uri ng karahasan.