Noli Me Tangere Kabanata 32: Ang Panghugos/ Kalo

TALASALITAAN

  • Pagpapasinaya – pagkaka-roon ng pormal na pagsisimula 
  • Kaha – sisidlan o lalagyan
  • Di winaglit – hindi maalis
  • Humulagpos – paglayà sa pagkakatalì 
  • Kalô kasang-kapang bakal na hugis bilóg, sinusulutan ng lubid upang maitaas o mabuhat ang anumang mabigat na bagay 

MGA PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA 32 ANG PANGHUGOS

  • Padre Salvi
  • Nol Juan
  • Taong Madilaw
  • Crisostomo Ibarra
  • Elias
  • Alkalde
  • Mga Mamamayan ng San Diego

BUOD NG KABANATA 32 ANG PANGHUGOS

Ang taong dilaw ay nag demonstrasyon kay Nol Juan sa paggamit ng panghugos bago mangyari ang pagpapasinaya sa bahay-paaralan.

Walong metro ang taas ang nasabing paaralan at ang apat na haligi nito ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Nasasabitan rin ito ng malalaking lubid na kapag tinignan ay para bang ang pagkakayari niyo ay matibay na matibay.

Pinagmalaki rin ng taong dilaw na natutunan niya raw ang ganitong pamamaraan sa ninuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita niya kung paano naitataas ang naibaba ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao.

Dumating na ang araw ng pag papasinsaya sa paaralan na pinagawa ni Ibarra. Naghanda na ang mga guro pati na ang mga estudyante ng mga putahe para sa mga dadalo. May banda rin ng musiko.

Nagsimula nang basbasan ni Padre Salvi ang paaralan.

Ang mga mahahalagahang kasulatan pati na ang relikya at iba pang mahahalagang bagay ay dinala sa isang kahang bakal na inilagay naman sa bumbong na yari sa tingga.

Ang lubid na may hukay sa gitna ang nagkokontrol sa bato kung saan ilalagay ang tingga. Ang taong dilaw naman ang naghahawak sa lubid

Nagsibabaan na ang lahat ng tanyag at kilalang tao upang saksihan ang seremonya ng pari. Kabilang sa mga naroroon sa sermonya si Elias at di winaglit ang tingin sa taong dilaw.

Pagbaba ng binata na si Ibarra upang makiisa sa seremonya ay biglang humulagpos ang lubid mula sa kalo, agad namang nagiba ang balangkas.

Nasaksihan ng lahat  ang nakatayong si Ibarra sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato, ang taong dilaw naman ay binawian ng buhay.

Si Nol Juan ay dapat na ipahuhuli ng alkalde mayor ngunit siya’y pinigilan ng binata at sinabing siya na ang bahala sa mga nangyari.

ALAM MO BA?

Ang paghuhugos sa hukay ng panulukang bato ng itatayong paaralan ang simula ng serye ng mga aksyon ng salaysay na magpapakita ng panganib sa buhay ni Crisostomo Ibarra. Mahalaga ang aksyon sa kabanatang ito ng nobela dahil magpapatuloy ang lihim na mga kilos ng kanyang mga kaaway at ang pagkamalay ni Ibarra ukol dito sa tulong ni Elias. Ang kabanatang ito rin ang foreshadowing o magsesenyas na “may aasahan” pang mangyayari ang mga mambabasa; ang sinasabing pagtaas ng interes ng mga mambabasa hanggang sa umakyat sa sukdulan (climax) ng salaysay.

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA

  • Sa kabanatang ito ipinakita na ang lahat ng mga tao sa San Diego ay masaya sa ipatatayong paaralan ni Crisostomo. Lutang na lutang ang pagpapahalaga ng mga tao sa edukasyon.
  • Ganun pa man mayroong mga hindi inaasahang pangyayari ang nakita sa kabanata kung saan may isang taong nasawi dahil sa isang aksidente.