Noli Me Tangere Kabanata 34: Ang Pananghalian

TALASALITAAN:

  • hapag – estrukturang hugis mesa
  • eskribano – sa sinaunang hebrew, tagapagtago ng mga talâ, o propesyonal sa teolohiya sa paghuhukom
  • kubyertos – kagamitang pangkusina na binubuo ng kutsara, tenedor, kutsilyo, at iba pa
  • nagtitimpi – pagpipigil ng emosyon

MGA PANGUNAHING TAUHAN NG KABANATA

  • Kapitan Tiyago
  • Crisostomo Ibarra
  • Padre Damaso
  • Maria Clara

BUOD NG KABANATA 34 ANG PANANGHALIAN

Noong araw na iyon ay paparito ang Heneral at mananatili sa bahay ni Kapitan Tiyago. Magkaharap na nananghalian ang mga mamamayan ng San Diego.

Ang binatang si Ibarra ay nasa magkabilang dulo kasama ang alkalde mayor na nasa kabilang dulo ng hapag. Si Maria ay nasa gawing kanan ng binata habang ang eskribano ay nasa kaliwa. Nandoon ang mga may posisyon sa San Diego kasama ang mga Kapitan at Pari.

Ang mga tao ay napaisip kung bakit ‘di pa dumarating si Padre Da maso. Ang mga tao ay nag-usap-usap patungkol sa kamangmangan ng mga magsasaka sa paggamit ng kubyertos at ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Di kalaunay dumating na ang padre at lahat ay bumati liban lamang kay Ibarra. Habang inaayos ang alak at ang hapag ay nauna ng napagsabihan ng padre ang binatang si Ibarra.

Nais sanang pigilin at ibahin alkalde ng ang usapin ng pari ngunit ayaw nitong patinag. Tahimik lamang ang binatang nagtitimpi.

Para bagay nananadya ang Padre ng iungkat nito ang balita tungkol sa ama ng binata. Di na ito nakapag timpi at akmang sasaksakin na ng binata ang pari.

Mabuti nalamang ay napigilan ni Maria ang binata. Huminahon ito at lumisan.

ALAM MO BA?

  • Karaniwang ang isang salaysay ay may dalawang protagonista. Ito ang mga tauhang inilalarawang may magkataliwas na panlabas at panloob na mga katangian. Idagdag pa rito ang magkatunggali nilang mga interes at layunin sa buhay, makalilikha ang awtor ng isa o dalawang dramatikong mga sitwasyon na potensyal na humantong sa “pagkiskis ng palito sa pulbura sa gilid ng posporo” at pagsiklab, hindi na ng apoy sa palito ng posporo kundi ng apoy na pumupuno sa damdamin ng mga protagonista.
  • Nasubaybayan sina Ibarra at Padre Damaso mula sa mga sinundang kabanata hanggang sa magkatagpo nang harapan sa pananghalian sa bahay ni Kapitan Tiago. Balikan ang pagpapahayag ng kanilang mga interes at layunin sa buhay, gayundin ang paglalarawan ng kanilang magkasalungat na mga katangian. Sa huli, walang pinatunguhan ang mga tauhang ito kundi ang “komprontasyon” na hahantong tiyak sa pagsiklab ng apoy ng kanilang mga damdamin.

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA

  • Sa kabanatang ito ipinakita na umabot na sa sukdulan ang pagpapasensya ni Ibarra kay Padre Damaso kaya naman hindi n’ya na napigilan ang kanyang sarili na sugurin at masaktan ang pari buti na lamang at napigilan siya ni Maria Clara.
  • Ang isang taong hindi makapagpigil ng kanyang emosyon ay maaring magdulot ng kapahamakan sa kanyang sarili at sa mga taong nasa paligid niya. Tulad na lamang nang naging reaksyon ni Crisostomo. Sa kabilang dako naman marapat na igalang ng isang tao ang alaala ng isang taong yumao at hindi na ito dapat pang yurakan.