Tag: nolimetangere

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 35: Mga Usap-usapan/ Reaksyon

    Kumalat sa buong bayan ang pangyayari. Sa simula ay walang ibig maniwala, ngunit napilitan silang harapin ang katotohanan. Nagimbal sila at nagbigay ng kani-kaniyang kuro-kuro.  “Patay na si Padre Damaso”, sabi ng ilan. “Nang damputin daw ay duguan ang mukha at hindi na humihinga”.  “Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa”, bulalas naman ng kabataang lalaki. “dapat…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 34: Ang Pananghalian

    Nagkakainan ang mga dakilang tao ng probinsiya sa isa sa mga nahihiyasang pabilyon. Nasa isang dulo ng mesa ang gobernador. Nasa kabilang dulo naman si Ibarra. Nasa gawing kanan niya si Maria Clara at nasa gawing kaliwa naman ang notary. Si Kapitan Tiyago, ang komandante, ang alkalde, at ang mga pari, mga kawani at ilang…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 32: Ang Panghugos/ Kalo

    Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.  Ito ay mayroong walong metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi.  Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kaya tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki.  Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 31: Ang Sermon

    Marahang nagsimula si Padre Damaso sa paos na tinig: “Et espiritum tuum bonum dedisti, et manna tuum non probibuisti ab ore eourum, et aquam dedisti eis in siti.” At patnubayan nawa ako ng Banal na Espiritu upang maturuan sila, at upang ang biyayang mana ay hindi mahulog mula sa kanilang mga bibig, at bigyan mo…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 27: Takipsilim

    PUSPUSAN ang paghahanda sa bahay ni Kapitan Tiago. Mahilig siya sa pasiklab at ipinagmamalaki ang pagiging Manilenyo kaya’t gusto niyang malampasan ang karangyaan ng mga taga-probinsya. Ang isa pang dahilan kaya ibig niyang malaluan ang handa ng mayayaman sa pook na iyon ay ang kanyang anak na si Maria Clara, gayon din ang kanyang mamanuganging…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista

    NOBYEMBRE 10, bisperas ng pistang bayan ng San Diego. Masiglang nagising ang mga mamamayan. Kapapansinan ng sigla ang mga bahay, lansangan, simbahan, sabungan, at pati na ang kabukiran. Balot ng mga banderitas ang mga bintana ng bahay. May mga dekorasyon ang lahat ng tahanan. Mauulinigan ang mga tugtugin at ingay ng kuwitis sa paligid.   Sa…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 25: Tahanan ng Pilosopo

    KINABUKASAN. . . sandaling nilibot ni Ibarra ang kanyang lupain bago nagtuloy sa bahay ng matandang Tasyo. Tahimik na tahimik ang halamanan; bahagya nang marinig ang huni ng nagliliparang mga langay-langayan. Nababalot ng lumot ang pader ng bahay at namumulupot sa bintana ang mga baging.  Itinali ni Ibarra ang kanyang kabayo sa isang poste at…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata: Elias at Salome

    NATAGPUAN sana ng mga guardia civil ang hinahanap nila kung nagtuloy lamang sila bago lumubog ang araw sa kubo sa tabi na batis.   Nasa gitna iyong ng kawayanan at mga puno ng sasa. Ang dingding ng kubo ay pawid at kawayan na may dekorasyong palaspas at artipisyal na bulaklak mula sa Tsina. Isang sangang hitik…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 24: Sa Gubat

          MAAGANG nagmisa si Padre Salvi. Parang nawalan siya ng ganang mag-almusal nang mabasa ang dumating na sulat, Lumamig tuloy ang tsokolate. Palakad-lakad siayng nag-iisip at lamukos niya ang sulat na paulit-ulit niyang binasa. Ipinahanda niya ang karwahe. Nagbihis at nagpahatid sa gubat na pinagdarausan ng piknik nina Maria Clara.          Pagkaraan ng matagal-tagal din…

  • Noli Me Tangere Buong Kabanata 23: Ang Piknik

    GISING pa ang mga bituin.Tulog pa ang mga ibon sa mga sanga. Isang pangkat ng mga nagkakatuwaang kadalagahan at mga magulang ang ngalalalkad ng patungo sa lawa. May dala silang mga pananglaw.    Magkakapit-baywang na nangunguna sa lakarang iyon ang limang kasibulang dalaga. Kasunod nila ang mga matatandang babae at mga utusang babae na may…

Exit mobile version