MELCs Filipino Elementarya


Most Essential Learning Competency sa Bawat Baitang

Grade Level: Grade 1
Subject: Filipino
Grade Level Standards:
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.

Grade Level: Grade 2
Subject: Filipino
Grade Level Standards:
Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang
sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.

Grade Level: Grade 3
Subject: Filipino
Grade Level Standards:
Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinngan at
nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.

Grade Level: Grade 4
Subject: Filipino
Grade Level Standards:
Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng
pamayanan.

Grade Level: Grade 5
Subject: Filipino
Grade Level Standards:

Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at pambansa.

Grade Level: Grade 6
Subject: Filipino
Grade Level Standards:
Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Exit mobile version