Mga Uri ng Tula


Tulang Liriko o Pandamdamin -nagtataglay ito ng mga karanasan, guniguni, kaisipan at mga pangarap tungkol sa pag-ibig,ligaya,lungkot,hinanakit atbp. Karaniwan itong maikli at payak at itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin.

  • Awit/Dalitsuyo – may paksa ng pagmamahal, pagmamalasakit at pamimighati
  • Pastoral – Tulang nagpapahayag ng paghanga o papuri sa isang bagay. Ito ay walang tiyak na bilang ng pantig o bilang ng taludturan.
  • Dalit
  • Oda -tulang nagpapahayag ng paghanga o pagpuri sa isang bagay.Ito ay walang tiyak na bilang ng pantig o bilang ng taludtod sa isang taludturan.

Hal: “Manggagawa” ni Jose Corazon de Jesus

  • Elehiya -tulang nagpapahayag ng panimdim o pagkalumbay dahil sa isang namatay na minamahal.

Hal: “Babang-Luksa”

  • Soneto Tulang may labing-apat na taludtod (14) at ang bawat taludturan/saknong ay may dalawang taludtod.Karaniwang pumapaksa sa damdamin at kaisipan at nakikilala sa matinding kaisahan at kasiksikan ng nilalaman.

Hal: “Ang Buhay at Kamatayan” ni Jose Villa Panganiban

Tulang Pasalaysay –ito ay naglalahad ng makulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay sa anyong patula tulad ng pag-ibig at pagkabigo,tagumpay na mula sa kahirapan.Inilalahad din dito ang katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.

  • Epiko -isang tulang pasalaysay na ang karaniwang paksa ay tungkol sa pakikipagsapalaran,katapangan at kabayanihan ng mga tao noong unang panahon.Kinapapalooban ito ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala at mga kababalaghan.

Hal: Maragtas,Hinilawod,Biag ni Lam-ang atbp

  • Awit -tulang pasalaysay na hango sa buhay ng dugong mahal at pumapaksa sa pag-ibig,pagtatagisan ng talino o tapang,pananampalataya at pagtulong sa kapwa.Nagtataglay din ito ng kababalaghan at hindi kapani- paniwalang pangyayari.Binubuo ito ng 12 pantig sa bawat taludtod at madalang kapag inaawit.

Hal: “Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar

  • Korido –magkapareho sila ng pinapaksa ng awit.Binubuo ito ng walong pantig sa bawat taludtod at nagsisimula sa isang panalangin na kung awitin ay mabilis.Galing ito sa salitang “currido’ ng Mehiko na nanggaling naman sa Kastila.

Hal. Ibong Adarna

Tulang Dula –ito ay isang tula na isinasagawa ng padula na itinatanghal sa isang entablado o dulaan.Ang usapan dito ng mga tauhan ay sa paraang patula.

  • Moro-moro – tulang dula na pumapaksa sa paglalaban ng mga Muslim at Kristiyano na laging nagwawakas sa tagumpay ng mga Kristiyano.
  • Komedya – isang uri ng tulang dula na gumagamit ng nakaugaliang martsa para sa pagpasok at pag-alis ng entablado,batalla o labanan na may koreograpiya,at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas.Ito ay kadalasang itinatanghal ng 2-3 araw upang ipagdiwang ang piyesta ng patron ng baryo.Masasayang diyalogo ang ginagamit dito at nagwawakas nang masaya.
  • Tibag –pagsasadula ng paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino.Ito ay ginaganap tuwing buwan ng Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan,Nueva Ecija,Bataan at Rizal.
  • Panunuluyan –isang prusisyong ginaganap kung bisperas ng pasko.Isinasadula rito ang paghahanap nina Maria at Jose ng bahay na matutuluyan sa nalalapit na pagsilang kay Hesus.Ang mga gumaganap na tauhan ay nagtataglay ng magandang tinig dahil ang usapan dito ay sa paraang paawit.
  • Sarsuwela –isang dulang musikal o isang melodramang may 3 yugto na ang mga paksa ay tungkol sa pag- ibig,paninibugho,paghihiganti,pagkasukla m at iba’t-ibang masisidhing damdamin.Naglalarawan din ito ng pang- araw-araw na buhay nating mga Pilipino.

Tulang Patnigan -tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula,kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.

  • Karagatan -isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
  • Duplo –madulang pagtatalo na karaniwang ginaganap sa isang maluwang na bakuran ng namatayan.Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari.
  • Balagtasan Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
  • Batutian –ito ay isang sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa.

Sanggunian:

Virgilio S. Almario, “Hiyas ng Tulang Tagalog”, Anvil Publishing Inc. 2015

Virgilio S. Almario, “Pag-unawa sa Ating Pagtula: Pagsusuri at Kasaysayan ng Panulaang Filipino”, Anvil Publishing inc. 2006


2 responses to “Mga Uri ng Tula”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Exit mobile version