Talambuhay ni Lualhati Bautista


Si Lualhati Bautista ay isa sa mga bantog na Pilipinong babaeng manunulat. Siya ay kilala sa kanyang napakaraming akdang naisulat tulad ng mga nobela, maikling kwento, screenplay at teleplays.

Ipinanganak sa Tondo Manila noong Disyembre 2, 1945. Ang kanyang mga Magulang ay si Esteban Bautista ang kanyang ama at Gloria Torres ang kanyang ina, na parehong guro. 

Labing-anim na taong gulang siya ng magsimulang magsulat ng mga tula. Malaki ang naging impluwensya ng kanyang magulang sa larangang ito. Unang nailathala sa Liwayway magazine ang kanyang mga kuwento. Siya ang Bise Presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines. Pinuno ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular. Siya ay isang mahusay rin na nobelista, manunulat ng mga maikling kuwento at iskrip sa larangan ng pelikula at telebisyon. 

Dalawa sa kanyang maiikling kuwento ay nagwagi ng gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan. Ito ay “Ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra,” unang gantimpala (1982); at “Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang,” pangatlong gantimpala (1983). 

Ang kanyang pinakaunang akdang-pampelikulang ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mahihirap na Pilipino ay nagwagi ng karangalan mula sa Catholic Mass Media Awards (CMMA). 

Ang dramang pantelebisyong “Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo” (1987) na kanya ring isinulat ay nagwagi naman bilang pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa CMMA. 

 Kabilang pa sa kanyang mga nobelang naisapelikula ang Dekada 70 (1980) at Gapo (1983) dahil sa kagandahan at walang kamatayang mga paksa ng mga ito. Bukod sa mga pagkilala mula sa Palanca at CMMA ay nakatanggap din siya ng pagkilala mula Surian ng Wikang Pambansa, Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, Star Awards, FAMAS, at URIAN.

Pamagat ng ilan sa kanyang mga likhang sining:

  • Bulaklak sa City Jail 
  • Dekada ‘ 70 
  • Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? 
  • ‘GAPÔ 
  • Kan-uman sa Siyudad 
  • Sa Panag-igsoonay 
  • Sonata 
  • Hinugot sa Tadyang 
  • Buwan, Buwan, Kahulugan Mo Ako ng Sundang: Duha Dekada sa Maiikling Kuwento 
  • Desaparesidos 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Exit mobile version