Talambuhay: Vũ/ Vei Trọng Phụng


Si Vũ Trọng Phụng ay isinilang sa Hanoi Vietman noong ika-20 Oktubre 1912 at pumanaw sa edad na 26 (27 na ito sa kalendaryong Vietnamese) noong ika-13 Oktubre 1939 sa Hanoi dahil sa sakit na tuberkolosis. S’ya ay isang sikat na manunulat at mamamahayag na Vietnamese, itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang pigura sa ika-20 siglong panitikang Vietnamese. Sa kasalukuyan, ilan sa kanyang mga gawa ay patuloy pa ring itinuro sa mga paaralan sa Vietnam.

Ang kanyang ama ay namatay sa sakit sa baga noong siya ay pitong buwang gulang pa lamang. Kaya naman ang kanyang ina na lamang ang nagpalaki sa kanya. Sa edad na 16, napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang humanap ng sariling ikabubuhay.

Noong dekada ’30 ay naging tanyag ang kanyang mga akdang pampanitikan. Sandaling panahon lamang siya naging manunulat ngunit nag-iwan ng malaking impluwensya sa panitikan ng Vietnamese ang kanyang mga akda.

Karaniwang paksa ng kanyang mga akda ay tungkol sa mga suliraning panlipunan tulad ng kahirapan, prostitusyon, politika at kultura.  Nakalikha s’ya nang mahigit 30 na maikling kuwento, 9 na nobela, 9 na balita, 7 dula na ang ilan ay naisalin pa sa wikang Pranses. 

sANGGUNIAN:

“Vũ Trọng Phụng’s Dumb Luck and the Nature of Vietnamese Modernism”, Peter Zinoman, introduction to Dumb Luck, University of Michigan Press 2002, ISBN 0-472-06804-0.

“EVan – Vu Trong Phung va vu an van chuong”. Archived from the original on 2010-11-11. Retrieved 2021-02-22.

^ “Vũ Trọng Phụng, nhà văn của người nghèo”. Radio Free Asia (in Vietnamese). Retrieved 2022-08-13.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Exit mobile version